Kotse sumalpok sa truck, 1 sugatan

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Ni Orly L. Barcala

S u g a t a n a n g i s a n g businesswoman nang bumangga ang bagong kotse niya sa isang nakaparadang truck sa Navotas City, nitong Linggo ng hapon.

Ginagamot sa Navotas City Hospital si Evangeline Del Rosario, 34, ng Adalia Street, Barangay Longos, Malabon City, dahil sa mga sugat sa kamay at katawan.

Ayon sa report, bandang 4:00 ng hapon at nanggaling sa Maynila si Del Rosario sakay sa kanyang kotse at binabaybay ang Road 10 sa Bgy. NBBS, Navotas nang sundan niya ang nag-overtake na kotse.

Gayunman, dahil matulin ang takbo ay bumangga si Del Rosario sa nakaparadang truck, na ang driver ay si Vernie Gludo.

Kaagad na nagresponde ang rescue team ng Navotas City para mailabas mula sa sasakyan si Del Rosario at kaagad na maisugod sa pagamutan.

May nakita umanong basyo ng bote ng alak sa kotse ng biktima.