John Cena at Nikki Bella, kinansela ang engagement

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

KINANSELA nina John Cena at Nikki Bella ang kanilang engagement, ilang linggo bago ang araw ng kanilang kasal.

John at Nikki copy

“While this decision was a difficult one, we continue to have a great deal of love and respect for one another,” iniulat ng People na sinabi ng anim na taon nang magkasintahan, batay sa pahayag ni Bella sa Twitter. “We ask that you respect our privacy during this time in our lives.”

Inilabas ng Us ang balita ng kanilang paghihiwalay.

Abril 2017 nang na-engaged ang kapwa propesyunal na wrestler, sa live TV sa laban ng dalawa. Nakatakda ang kanilang kasal sa Mayo 5, saad pa rin sa ulat ng People. Oktubre naman nang ihayag ng dalawa na baka iurong ang araw ng kanilang kasal dahil sa kanilang schedule.

Habang ipino-promote ni Cena, 40, ang kanyang pelikulang Blockers, inihayag niya sa People ang kanyang nararamdaman na mistula nang pakikisama bilang mag-asawa sa 34 taong gulang na Total Bellas reality star.

“People come up to me and say, ‘I love watching your wife on television.’ And I love that, so that happens to me 10 times before it would be a, ‘Yo man I love your work.’ It’s always, ‘I love watching your wife on television,’”
aniya, at sinabing sana ay pinakasalan na niya si Bella “yesterday.”

“I’m already ready to go there and it sounds nice hearing it,” paliwanag niya sa People tungkol sa pagtawag ng kanyang fans kay Bella bilang kanyang asawa. “I know that we will have a wonderful future together because I love the way that sounds.”