Jeric at Kyline, bagong tinitiliang love team

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni NORA CALDERON

NAKAKATUWA na malaki na ang fan base ng bagong love team nina Jeric Gonzales at Kyline Alcantara. Libu-libo na nga ang mga followers nila. Si Kyline, umabot na rin sa one million ang fans na tinatawag niyang “sunshine.”

Jeric & Kyline - KK copy

Hindi na nga maitatanggi na bukod sa love team nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, tuwing may mall show ang pinag-uusapang primetime series na Kambal Karibal, tinitilian din sina Jeric at Kyline. In fact, carry na ni Kyline mag-solo mall show dahil sa support ng fans, saan man siya mag-perform.

Dahil sa Kambal Karibal ay mas nagiging malapit sina Jeric as Makoy at si Kyline bilang Crisan at Cheska, dahil sila ni Nori (Francesca Salcedo) ang tumutulong sa kanya simula nang sumanib ang kaluluwa ni Crisan kay Cheska.
Api-apihan na si Crisan ngayon dahil ang kakambal niyang si Crisel (Pauline Mendoza) ay siyang sumanib sa kanyang katawan matapos siyang mahulog sa bangin at humiwalay ang kanyang kaluluwa. Si Crisel na ang kinikilalang Crisan ng mga magulang nilang sina Geraldine (Carmina Villarroel) at Allan (Alfred Vargas).

Mukhang magkakaroon pa ng triangle kina Makoy at Crisan/Cheska dahil pumasok naman ang character ni Darren (Jake Vargas), na amo niya sa story.

Matagal nang walang ka-love team si Jeric since nagkahiwalay sila ni Thea Tolentino after nilang makagawa ng ilang projects as winners ng second season ng Protege, ang reality-based artista search ng GMA. Si Kyline na nga kaya ang maging ka-love team ni Jeric?

Isa pang accomplishment ni Kyline, bukod sa mahusay na actress, maganda rin ang boses niya, noong isang araw ay pumirma na siya ng recording contract sa GMA Records.

Mapapanood ang Kambal Karibal gabi-gabi pagkatapos ng Sherlock Jr.