Jaclyn, sobrang affected sa pagkatalo ni KZ Tandingan

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni NITZ MIRALLES

Makakausap ng press si Jaclyn Jose sa presscon ng The Cure mamaya. Matatanong ang aktres sa post niya at paniniwalang dapat ang kababayan nating si KZ Tandingan ang nanalo sa Singer 2018 sa China.

KZ copy

Post ni Jaclyn sa Instagram (IG): “Dito pa lang tapos na laban halatang na imitate siya kasi may nanalo na di naman magtagal JC J ng 3 ½ months ng wala lang. Winning song Inday by Whitney…tinanggal KZ para di halata na nagpapaka global itong contest. Di man lang binanggit sa special no. Kz coco lang at JC. oh we’ll sakin si kz panalo…”

May mga kasunod pang post si Jaclyn gaya ng “Pag si Regine lutuin nio mag protesta talaga ako…ace diamond!!!” at “Birit ba naku Regine sing Mulawin…next year inaapi tayo ng China ikaw na lang pag-asa” at “Lutong Macau!!!”

Fan ni KZ si Jaclyn at “My Queen” pa nga ang tawag niya sa singer. “I am a fan huge fan!” at “No one is better than KZ.. they can sing great singer bravo! But KZ is an extra ordinary! Big big fan!”

Siguro naman hindi magkakait si Jaclyn na sagutin ang mga tanong tungkol kay KZ kahit nasa presscon siya ng teleserye ng GMA-7. Sa April 30 na ang pilot ng medical drama series sa direction ni Mark Reyes.

Doctor ang role ni Jaclyn sa The Cure, ina siya ni Ken Chan na isa ring doctor at kung tama kami, si Jaclyn ang isa sa magiging rason sa pagkalat ng Monkey Virus Disease (MVD) sa series.