I’m ready for this new journey – Billy Crawford

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni NITZ MIRALLES

MATITIGIL na ang tanong kung kailan ang kasal nina Billy Crawford at Coleen Garcia dahil kumpirmado nang sa April 20 ang kasal ng dalawa. Hindi lang binanggit ang venue, pero dati nang nasulat na sa Balesin ang kasal.

bicol-11 copy

In-announce at nag-congratulate si Toni Gonzaga sa mga ikakasal sa Pilipinas Got Talent at nagpasalamat naman sa kanya at sa lahat si Billy.

“Sa lahat ng nagmamahal sa amin ni Coleen, we really just want to say thank you. And thank you, Lord. I’m ready for this new journey for me,” sabi ni Billy.

Last Saturday, binigyan ng Despedida de Soltera ng kanilang pamilya at mga kaibigan ang mga ikakasal. Nagpasalamat si Coleen sa mga nagmamahal sa kanila ni Billy.

“About last night…Thank you so much for making my Despedida de Soltera so magical for all of us. Thank you Mama @maripazortega for planning all of this and for bringing everyone together for one SUPER FUN night! This makes us all the more excited for the big day!”