Drug surrenderer inutas

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

Ni Liezle Basa Iñigo

SAN CARLOS CITY, Pangasinan – Palaisipan pa rin sa pulisya ang pamamaslang sa isang negosyante na dati nang sumuko sa Oplan Tokhang ng pulisya sa San Carlos City, Pangasinan, nitong Linggo ng hapon.

Dead-on-the spot si Darwin Lamsen, 36, ng Barangay Coliling, San Carlos City, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Nagdidiskarga ng mga hollow block sa kanyang kliyente ang biktima nang lapitan at barilin ng isang lalaki.

Inaalam pa ng pulisya kung may kinalaman ang krimen sa dating pagsuko ni Lamsen sa Oplan Tokhang.