Cotabato: 2 patay, 3 sugatan sa rido

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni Fer Taboy

Dalawang katao ang napatay at tatlong iba pa ang nasugatan sa alitan ng dalawang armadong pamilya sa North Cotabato, nitong gabi ng Linggo, ayon sa pulisya.

Kinilala ng Midsayap Municipal Police ang dalawang napaslang na sina Musa Sadang, 7; at Malai Sadang, kapwa ng Barangay Malingao, Midsayap.

Isinugod naman sa Amado Diaz Provincial Hospital ang mga sugatan, na kinikilala pa ng pulisya.

Sinabi ni Supt. Gilbert Tuzon, hepe ng Midsayap Police, na dakong 7:00 ng gabi nang mangyari ang pag-atake ng armadong grupo habang naghahapunan ang mga biktima sa kanilang bahay.

Pinaputukan ng M-16 armalite rifle ang mga biktima.

Nang matunugan na rumeresponde ang mga pulis at militar, kaagad na tumakas ang mga armado.