Ateneo booters, nakaumang sa No.1

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Mga Laro sa Huwebes
(Rizal Memorial Stadium)
2:00 n.h. — FEU vs AdU (Men)
4:00 n.h. — UP vs Ateneo (Men)

NAISALBA ng defending champion Ateneo ang matikas na pakikihamok ng Far Eastern University, 5-4, nitong Linggo sa UAAP Season 80 men’s football tournament sa Rizal Memorial Stadium.

Naisalpak ni Koko Gaudiel ang unang goal para sa Ateneo, habang kumasa sina Sam Lim, Christian Castillo at Ryan Haosen para mahila ng Blue Eagles ang kamig sa 31 puntos.

Target ng Ateneo na makuha ang No.1 spot sa Final Four sa pakikipagtuos sa league-leading University of the Philippines sa pagtatapos ng elimination matchday sa Huwebes ganap na 4:00 ng hapon.

Tangan ng Fighting Maroons ang 33 puntos mula sa 10 panalo at tatlong pagtabla.

Sa iba pang laro, pinangunahan nina Steven Anotado at Marvin Bricenio ang 2-0 panalo ng University of Santo Tomas kontra National University,habang nasilat ng University of the East ang De La Salle, 3-1.

Bumagsak ang Growling Tigers sa No.3 tangan ang 25 puntos, habang No.4 ang La Salle na may 20 puntos.
Umiskor ng dalawang ulit si Mark Lerion para sa UE na may 19 puntos.