2 natimbog sa droga

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni Lyka Manalo

NASUGBU, Batangas – Naaresto ng pulisya ang isang babaeng umano’y drug pusher at ang isang pinaniniwalaang adik, sa anti-illegal drug operation sa Nasugbu, Batangas, kahapon.

Kinilala ang mga inaresto na sina Mylene Pacia, 25; at Mary Jane Gonzales, 30, parehong taga-Barangay Lumbangan, Nasugbu.

Dakong 12:10 ng madaling-araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang grupo ni Nasugbu Police deputy chief Senior Insp. Roland Aniwasal, na ikinaaresto nina Pacia at Gonzales.

Nasamsam umano ng pulisya sa dalawa ang hindi pa mabatid na dami ng droga at marked money.

Inihahanda na ng pulisya ang isasampang kaso sa mga suspek.