Rhian, susulitin ang bakasyon sa Japan

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni Nitz Miralles

NASA Japan na si Rhian Ramos para sa sampung araw na bakasyon kasama ang pamilya at ang boyfriend na si Jason Choachuy. Sa Osaka ang unang destinasyon nina Rhian at nangako siyang susulitin ang pagbabalik sa Japan dahil noong una siyang pumunta sa bansa para sa show ng GMA Pinoy TV, ay 25 hours lang siya nag-stay at bumalik agad ng Pilipinas.

Rhian copy

The day bago lumipad pa-Japan, nag-taping muna si Rhian para sa The One That Got Away at kuwento niya, ginulat niya ang Program Manager ng sexy rom-com series nang magpaalam.

Hindi yata alam na 10 days siyang wala, pero dahil magagaling ang writers at si Direk Mark dela Cruz, magagawan ng paraan kahit wala muna sa eksena si Zoe (Rhian).

“Mami-miss ko si Zoe ‘pag nag-end na ang TOTGA, I so love my character here, sobrang enjoy ako dahil kahit chill lang siya, may lalim din. Happy ako that I am able to portray her na based sa script and more importantly, tinanggap ng viewers si Zoe. Mahal ng viewers si Zoe based sa nababasa kong reaction,” sabi ni Rhian.

Nabanggit ni Rhian na kaya hindi siya nahirapan sa mga eksena nila ni Jason Abalos dahil kapangalan nito ang boyfriend.

“Tapos, parehong “boo” ang terms of endearment namin ni Jason at Gael (Jason Abalos) sa TOTGA, kaya relate much.

May chemistry nga talaga kami ni Jason A dahil kahit hindi kami mag-usap before the take, kahit mga kilig scene, nagagawa namin at kinikilig ang viewers,” patuloy ni Rhian.

Hindi pa alam ni Rhian ang ending ng love story nina Zoe at Gael dahil ilang taping days pa ang natitira. Para sa fans at ng Zoel (Zoe and Gael) shippers, gugustuhin ni Rhian na magkatuluyan ang mga karakter nila ni Jason A.