Rachelle Ann Go, ngayong buwan na ikakasal?

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni Nitz Miralles

HINDI naka-post sa Instagram (IG) nina Rachelle Ann Go at fiance niyang si Martin Spies ang bachelorette party na ibinigay ng kanyang management na Cornerstone Entertainment Inc., kaya walang detalye na lumabas. Hindi alam kung saan at kung kailan nangyari ang masayang okasyon.

Rachel Ann copy

Galing sa iG ng Cornerstone ang nakuha naming picture ni Rachelle na may nakalagay na “Future Mrs. Spies.” May nabasa kami na parang this April na ang wedding nina Rachelle at Martin. Hintayin na lang natin ang announcement.

Hindi naniniwala sa long engagement sina Rachelle at Martin dahil September 23, 2017 lang sila na-engaged sa Boracay, at after ilang months, heto at malapit na silang ikasal.