MRT: Pasaway na pasahero, kakasuhan

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Ni Mary Ann Santiago

Mahigpit ang utos ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT)-Line 3 na kasuhan ang sinumang pasahero na magdudulot na aberya sa mga tren.

Matatandaang nitong Biyernes ng umaga ay napilitang magpababa ng 1,000 pasahero ang isang tren ng MRT nang hindi sumara ang pintuan nito, matapos umanong masandalan o sapilitang buksan.

Inatasan na ni Tugade ang MRT na tukuyin ang naturang pasahero na naging sanhi ng nabanggit na aberya at sampahan ng kaukulang kaso.