K Brosas, walang kupas sa pagpapatawa

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni JIMI C. ESCALA

TUWANG-TUWA si K Brosas dahil halos sold out na raw ang tickets at konting seats na lang ang available sa kanyang 18K concert sa April 28, sa Kia Theatre.

K Brosas

Sa totoo lang naman kasi kahit 18- taon na ang nakaraan mula nang pinasok ni K Brosas ang showbiz ay hindi mo nakitaan ng pagbabago ang TV host at hanggang ngayon ay in na in pa rin sa lahat ang kanyang pagpapatawa, huh!

Kaya nga hindi nahirapan sa kanya ang Cornerstone, ang management ni K, na ihanap ng mga raket. Kaliwat kanan ang showbiz commitments ni K at may regular hosting job pa siya sa Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN channel 2.

Pero ang reklamo lang ni K Brosas ay dahil hanggang ngayon ay zero pa rin daw ang lovelife niya. Kaya nga ang laging wish sa kanya ng bespren niyang si Pokwang ay matagpuan na raw sana ni K ang lalaking magmahal sa kaibigan niya.

Sana nga raw ayun pa kay Pokwang ay makatisod daw si K ng isang foreigner na kagaya ng asawa niya, huh!

Samantala, tiyak daw na magpasabog nang husto ang isang K Brosas sa kanyang concert at bilang pasasalamat na rin dahil nakaabot siya ng 18-taon na hanggang ngayon ay bongga pa rin ang career niya.

Kasama sa mga guest ni K Brosas ang si Regine Velasquez-Alcasid at si John Prats ang director ng concert, huh!