I want to rest – Sharon

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni NITZ MIRALLES

NAGPAALAM si Sharon Cuneta sa kanyang followers sa social media na magpahinga muna at hiningi ang kanilang pang-unawa.

Sharon (paki-crop po)

Heto ang post ni Sharon sa Instagram nitong Sabado:

“Dear Family & Friends, I am not just resting from social media but am turning my phones off. I want to rest. You know who to text/call/ email if I know you. Thanks for understanding.”

Naintindihan ng fans ni Sharon ang desisyon nitong magpahinga muna sa social media at i-off ang kanyang phone.

Sunud-sunod din kasi ang isyung kinasangkutan ni Sharon nitong mga nakaraang araw.

Mas magandang mag-turn off muna siya sa socmed sa halip na sumagot pa siya at mag-post ng quotation card at naaakusahang nagpaparinig o may pinariringgang tao. Sana lang, pagbalik niya ay nakalimutan na ang mga isyu sa kanya.