Boy Scouts gagawing NGO

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Ni Bert de Guzman

Ituturing ang Boy Scouts of the Philippines (BSP) bilang isang non-government organization (NGO).

Ito ang inaayos ngayon ng House committee on government enterprises and privatization, na lumikha ng technical working group (TWG) na mag-iisa sa apat na panukala na ang layunin ay ideklara ang BSP bilang isang NGO.

Pagsasama-samahin ang House Bills 2232, 3212, 5411, at 7000 ng komite na pinamumunuan ni Rep. Jesus Nonato Sacdalan, habang si Rep. Rene Relampagos naman ang mangunguna sa TWG.