Battered wife nagreklamo

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni Leandro Alborote

TARLAC CITY – Hindi na natiis ng isang ginang ang pagmamaltrato sa kanya ng sariling mister sa loob ng tatlong taon kaya nagreklamo na siya sa pulisya sa Tarlac City, nitong Sabado ng hapon.

Isinalaysay ni Isay (hindi tunay na pangalan), 25, ng Barangay San Isidro, Tarlac City, sa Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Tarlac City Police, ang mapait na karanasan niya sa 28-anyos na asawa.

Sinabi ng ginang na nagsimula ang insidente noong Enero 2015 hanggang ngayong buwan ng Abril.

Aniya, hindi lamang pisikal na pananakit ang inaabot niya sa asawa, kundi pati na rin pang-iinsulto at iba pang masasakit na salita laban sa kanyang pagkatao.

Inihahanda na ng pulisya ang kaukulang kaso laban sa suspek.