Barangay chairman pinagbabaril, dedo

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni Fer Taboy at Anthony Giron

Naging madugo ang pagsisimula ng panahon ng eleksiyon sa Cavite nang pagbabarilin at mapatay ang isang incumbent barangay chairman sa bayan ng Tanza, nitong Sabado ng umaga.

Dead on the spot si Leonilo Arbonido, 56, chairman ng Barangay Julugan VI sa Tanza, sanhi ng tatlong tama ng bala ng baril sa katawan.

Sa paunang report ni PO2 Donny Montano, ng Tanza Municipal Police, nagbabantay sa sariling tindahan si Arbonido nang dumating ang nag-iisang suspek at bigla itong pinagbabaril.

Matapos ang krimen, kaagad na tumakas ang suspek, sakay sa isang motorsiklo, dala ang ginamit na armas.

Kaagad namang iniutos ni Senior Supt. William Segun, Cavite Police Provincial Office (PPO) director, ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon sa kaso.

Sa r e cord n g pul i sya, natuklasang pang-apat na si Arbonido sa napapaslang na kapitan ng barangay sa Cavite sa nakalipas na 11 buwan.