Coastal areas sinisilip

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Nagsagawa ng imbestigasyon at pagsusuri ang mga kasapi ng House committee on ecology hinggil sa kalagayan ng mga dalampasigan o coastal areas sa bansa, lalo na ngayong tag-araw.

Ginisa sa pagdinig ng komite, sa pamumuno ni Rep. Estrellita Suansing, ang mga opisyal na may kinalaman sa pangangalaga sa mga dalampasigan at beaches sa Region IV-A (Calabarzon) at Region V (Bicol).

Ginawa ang imbestigasyon sa kainitan ng usapin sa napipintong pagpapasara sa Boracay Island sa Aklan sa Abril 26 upang isailalim sa rehabilitasyon. – Bert de Guzman