32 US embassy workers sa Cambodia, sibak sa porn

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

PHNOM PENH (Reuters) – Sinibak ng United States embassy sa Cambodia ang 32 nitong empleyado matapos mahuling nagbibigayan ng pornographic material sa isang non-official chat group.

Nakita sa isang Facebook Messenger chat group ang pinagpasahang mga pornographic videos at mga larawan, kabilang ang ilan larawan ng mga menor-de-edad.

“They had their identification cards taken and some of their phones checked,” pahayag ng isang dating U.S. embassy staff member.

Kabilang sa 32 empleyado ang Cambodians at Cambodian-Americans na guwardiya at clerical staff ng US embassy.