Mag-asawang suspek sa pagpatay kay Demafelis, hinatulan na!

Filed under Breaking News Balita RSS RSS Feed

Sinintensiyahan na ng Kuwaiti court ng kamatayan sa pamamagitan ng pagbibigti ang mag-asawang pumatay kay Joanna Demafelis, ayon sa isang judicial source.

Maari pang makapag-apila ang mag-asawang Lebanese-Syrian kung babalik sila sa Kuwait.

Ang mag-asawa ay nahuli noong Pebrero sa Damascus matapos silang mahanap ng Interpol. Nanatili sa Syria ang babae samantalang ipinaubaya sa mga awtoridad ng Lebanon ang lalaki.