Zayn Malik, kinumpirma ang hiwalayan nila ni Gigi Hadid

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Mula sa Yahoo Entertainment

Kinumpirma ni Zayn Malik nitong Martes na tapos na ang dalawang taong relasyon nila ni Gigi Hadid.

Zayn at Gigi copy

Ibinahagi ng mang-aawit ang balita sa kanilang fans sa pamamagitan ng Twitter, at sa magalang na paraan, aniya: “Gigi and I had an incredibly meaningful, loving, and fun relationship ang I have a huge amount of respect and adoration for Gigi as a woman and a friend. She has such an incredible soul. I’m grateful to all of our fans for respecting this difficult decision and our privacy at this time, we wish this news could have come from us first.

We love you all.”

Kalaunan, nag-post na rin si Gigi ng sariling pahayag, aniya: “Break-up statements often seem impersonal because there is really no way to put into words what two people experience together over a few years .. not only in the relationship, but in life in general. I’m forever grateful for the love, time, and life lessons that Z and I shared. I want nothing but the best for him and will continue to support him as a friend that I have immense respect and love for. As for the future, whatever’s meant to be will always be.”

Magandang magkapareha ang dating lovebirds, na tinatawag na Zee at Gee ang isa’t isa. Nagkarelasyon sila pagkatapos ng pakikipaghiwalay ng modelo kay Joe Jonas noong 2015. Kalaunan, suot na niya ang “Z” jewelry, at nagkokomento sila sa feed ng isa’t isa.

Isinapubliko nila noong 2016 ang kanilang pagmamahalan. Lumabas din si Gigi sa music video ng Pillowtalk ni Malik.

Ginanap ang kanilang unang joint photo shoot — para sa Vogue. Naganap naman ang kanilang red carpet debut sa Met Gala noong Mayo ng naturang taon.

Nitong nakaraang taon, naging cover sa Vogue ang couple, kahit na ang istorya na tungkol sa bagong henerasyon, na yumayakap sa gender fluidity, ay umani ng kontrobersiya.

Pumutok ang balita ng kanilang hiwalayan, ilang buwan makaraang mapabalitang engaged na sila.

Sa kabila ng kanilang sweet na anniversary at birthday posts para sa isa’t isa, usap-usapan na nag-break na sila.

Noong summer ng 2016, sinabi ng isang source sa E! News na naghiwalay na sila ngunit nagkabalikan ng “multiple times” at laging ang isyu ay may kaugnayan sa komunikasyon.