Bea, supportive girlfriend kay Gerald

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni Nitz Miralles

ANG sweet naman ni Bea Alonzo, suportado niya ang pelikula ng boyfriend niyang Gerald Anderson katambal si Pia Wurtzbach na nagsimula nang ipalabas sa mga sinehan sa buong Pilipinas kahapon.

BEA

Ipinost ni Bea ang poster ng My Perfect You, ‘yung nakalubog ang mga paa nina Gerald at Pia habang magka-holding hands sa ilalim ng tubig.

Walang masyadong caption si Bea sa post kundi, “March 14 na!!!” pero dahil sa ginawa niyang ito, kinilig at natuwa sa kanya ang fans nila ni Gerald. May nag-comment na very supportive girlfriend si Bea sa binata.

Naalala pala namin na nag-blush si Gerald at hindi nakapag-react sa presscon ng My Perfect You nang tanungin tungkol sa girlfriend niya — na si Bea siyempre ang tinutukoy.

For once, hindi nakapagsalita si Gerald at napangiti na lang.