Anna Luna, pinakasikat sa Star Magic Circle 2018

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni Nitz Miralles

SI Anna Luna ang pinakakilala sa 2018 batch ng Star Magic Circle dahil bago pa man pumirma ng kontrata ay matagal na siyang aktres.

Anna Luna

Nagsimula siyang umarte sa PETA at nagpakita ng kahusayan sa indie films na Paglipay at sa Maestra na nagpanalo sa kanya bilang best actrss sa Five Continents International Film Festival sa Venezuela.

Nagpakita rin ng galing sa pag-arte si Anna sa Star Cinema films na The Breakup Playlist, How To be Yours, at Dear Other Self. Lahat ng role niya ay best friend ng bida, kaya hindi kataka-taka kung tawagin siyang Bagong Pambansang Best Friend.

Pero sa award-winning film na Changing Partners, bida na si Anna at ang pelikula ring ‘yun ang naging daan para mapansin siya ni Mr. Johnny Manahan na siyang nagpapirma ng kontrata sa kanya sa Star Magic.

Ang dream ni Anna ngayon ay magbida sa Maalala Mo Kaya at hindi malayong mangyari ‘yun dahil sa kahusayan niya sa pagganap.

Nang tanungin kung hindi ba unfair sa mga kasama niya sa Star Magic Circle dahil may narating na siya sa showbiz, samantalang ang mga kasama ay nagsisimula pa lang, ang sagot niya:

“Hindi po, hindi unfair dahil ang feeling ko, pagpasok ko sa Star Magic parang nag-i-start uli ako. Parang nagsisimula uli ako ngayon.”