Tela ni Billy Crawford, biglang sikat

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni Nitz Miralles

PINAKA-FAVORITE namin sa naglabasang memes sa prenup pictorial nina Billy Crawford at Coleen Garcia na kinunan sa Lalibela, Ethiopia ‘yung cover ng sofa, bag at backpack. Panalo rin ang entry ni Regine Velasquez na throw pillow, ha-ha-ha!

REGINE copy

Mabuti at hindi napipikon si Billy at sabi pa niya, #keepemcomin. May hashtag pa si Billy na #StylistIsDead na lalong nagpasaya sa sitwasyon.

Kaysa magalit at mapikon, sakyan na lang masaya pa. Pati mga kaibigan sa showbiz nina Billy at Coleen, nakisali rin sa saya by commenting.

Nakakatawa at nakakaaliw naman talaga na ‘yung mga isinuot nina Billy at Coleen sa pictorial may kaparehong tela na ginamit na bag, bedsheeet, sofa cover at bags nga. Dumayo pa sila sa Ethiopia para doon ‘tapos malalaman lang na may kaparehong tela.

Nag-comment na lang si Billy ng, “All around pala ang telang eto…#StylistIsDead, “#Ika6natela” “Billy and @coleen out! #MicDrop seriously sa lahat ng gumawa nito salamat binuhay n’yo katawang lupa namin pero pinatay n’yo ang stylist namin! Bwahahahahha.!” At “@reginevalcasid di kami nagkamali ng tela. Official #songbird unan #DeadAko.”