Sherlock Jr., napapanahon ang paksa

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

BAGAY ang paksa ng Kapuso Primetime show na Sherlock Jr. na pinagbibidahan nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia ngayon na ipinakikita ang pagiging mahilig ng millennials sa Internet at pakikipag-chat sa iba’t ibang tao.

GABBI AT RURU

Sa istoryang ito ngayon, mabibiktima ng karakter ni Marc Abaya na nagpapanggap na Carl ang kapatid ni Jack (Ruru Madrid) na si Jenny (Kate Valdez). Lingid kasi sa kaalaman ni Jack at Pido (Andre Paras), ito ang hinahanap nilang ‘killer chatmate’ na dumudukot sa mga dalagang nakikipag-chat kung kani-kanino.

Madiskubre kaya nila Jack at Pido ang totoong identity ni Carl? Mailigtas kaya nina Jack at Siri si Jenny?

Abangan sa mga susunod na episode sa Sherlock Jr. sa GMA.