Robin at Mariel, maagang tinuturuan ng disiplina si Isabella

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni Reggee Bonoan

NAKAKATUWANG panoorin ang ipinost na video ni Robin Padilla sa Instagram na habang nililinis niya at ng mga kasama sa bahay ang kanilang malaking garahe ay nakikilinis din ang anak nila ni Mariel Rodriguez na si Isabella.

ROBIN MARIEL AT ISABELLA copy

Ang caption ni Binoe: “Operation LINIS ng mga lumang rubber mats at courtyard. Maraming salamat sa Nanay kapitan @marieltpadilla kay Ninang @analynyuragtequin Midwife sister Jo, Yaya Belen, Cook Ate Erna, SA Ana, SA Narcisa at kay student @mariaisabelladepadilla.”

Hawak ni Isabella sa magkabilang kamay ang broom brush habang nagkukuskos ng garahe at walang pakialam kung basang-basa na siya habang hawak naman ng Mama Mariel niya ang garter na pagkakapitan sa bagets.

Positibo ang mga komento sa post na ito ng aktor dahil sa murang edad daw ay tinuturuan na niyang tumulong ang bata.

Ayon kina @uynit11Wow, “Saludo talaga ako sa inyo.napakasimpleng pamilya”; @lyndecolongon, “Wow! love the idea let’s the child experience all the things, being a child para paglaki niya may magandang memories siya, kakatuwa ang ganu’n.”

Halos iisa ang sinasabi ng followers ni Robin na pawang saludo kung paano siya magdisiplina ng anak.

Nag-post din si Robin sa kuha sa kanila habang tinuturuan niyang magdasal ang anak.

Sabagay, sa mga ginagampanan din namang karakter ni Robin sa mga pelikula at serye niya, kapag may kasama siyang mga bata ay tinuturuan niya talaga ng tamang asal at ng pagtulong sa kapwa kesehodang ‘goon’ pa ang papel niya lalo na sa Maging Sino Ka Man movie nila ni Sharon Cuneta.

Maging sa seryeng Sana Dalawa Ang Puso na umeere ngayon kasama sina Richard Yap at Jodi Sta. Maria ay pawang kabutihan ang itinuturo ng karakter niyang si Leo Tabayoyong sa mga pamangkin na sina Tads (Ylona Garcia), Tinay (Miles Ocampo) at Tamtam (Elia Ilano).

  • Joseph Legaspi

    Elia aka tamtam is such a sweetheart. very engaging and likable si bagets