Quarrying malapit sa ilog, ipinatitigil

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni Light A. Nolasco

SAN LUIS, Aurora – Nangangamba ang ilang residenteng nakatira malapit sa ilog ng Barangay Real sa San Luis, Aurora, dahil sa umano’y quarrying.

Ayon sa ilang concerned citizen, na pawang hindi nagpabanggit ng pangalan, nanganganib ang buhay nila sa nasabing operasyon lalo na sa pagsapit ng tag-ulan.

Posible umanong lumubog sa baha ang kanilang mga bahay kung magpapatuloy ang quarrying sa nasabing barangay.

Nananawagan ang mga residente na isaalang-alang ang kaligtasan ng bawat isa.