Mike de Leon, ubod ng tapang sa ‘Citizen Jake’

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni NITZ MIRALLES

PURING-PURI ng mga nakapanood sa invitational at public viewing ng Citizen Jake, bagong pelikula ni Mike de Leon after almost 20 years.

DIREK MIKE AT ATOM KASAMA SINA CHERIE, LUIS AT MAX copy

Hindi pa rin kumukupas ang kahusayan ni Direk Mike, matapang ang pelikula, at mahusay ang pagganap ng buong cast.

Hindi na-disappoint ang mga nanood kay Atom Araullo kahit ito ang first time niyang pag-arte, dahil nagpakita siya ng kahusayan.

Hindi na nakakagulat ang galing nina Gabby Eigenmann, Luis Alandy, Richard Quan, Cherie Gil at ang iba pa dahil talaga namang magagaling sila.

Si Max Collins ang maraming ginulat lalo na’t ngayon lang siya napanood sa pelikula. Magaling na aktres daw pala si Max at ibang-iba sa napapanood sa telebisyon lalo na sa The One That Got Away (TOTGA) na light rom-com series ng GMA-7 at nakikipag-agawan kina Lovi Poe at Rhian Ramos sa pagmamahal at atensiyon ni Dennis Trillo.

Sabi nga ni Alwyn Ignacio na isa sa mga nakapanood ng Citizen Jake, hayaan na ang pagpapaka-light ni Max sa TOTGA, pero kailangang gumawa pa siya ng pelikula dahil sayang kung sa TV lang napapanood ang kahusayan niya.

Anyway, nag-post si Max ng video sa Instagram ng ilang eksena sa Citizen Jake at dito pa lang, papangarapin mo nang mapanood ang buong pelikula. Kaya lang, baka hindi ito maipalabas commercially dahil sobrang tapang at may patama sa gobyerno mula sa panahon ni Presidente Ferdinand Marcos hanggang sa present government.

Caption ni Max: “There’s so much to say about Citizen Jake. It’s probably the most controversial movie our country has even seen to date, fearless and bold-tackling political issues rarely-if ever-brought to see the light of day.

Mike de Leon is a brave man. A genius of sorts. As he once said-the question is not ‘Who is Citizen Jake?’ but ‘WHAT is Citizen Jake?’”

Sinundan ito ng isa pang post: “March 10, 2018 was definitely an unforgettable night. I thought I would have a heart attack because of how nervous I was. I still don’t know why or how I found myself next to all of these brilliant actors and THE LEGENDARY Director Mike de Leon. I’m definitely one lucky girl. Thank you, Direk Mike for taking a chance on me. I hope I didn’t let you down. Congratulations to the whole #CitizenJake team! Everyone has worked so hard on this film and finally, after two years, the masterpiece is complete.”