Kris, Josh at Bimby, sa ibang bansa mag-oobserba ng Holy Week

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni REGGEE BONOAN

SA ibang bansa pala mag-oobserba ng Semana Santa si Kris Aquino kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby. Sasamantalahin na rin niya ang Lenten break para makapagpagamot sa espesyalista ng allergy na laging nang-iistorbo sa kanya.

KRIS copy

Bago umalis, tinatapos muna ng Queen of Online World at Social Media ang lahat ng taping para webisodes at photo shoot para sa print ads.

Nasulat na kahit masama ang pakiramdam ay dire-diretso pa rin ang trabaho ni Kris dahil ayaw niyang may mabitin sa mga natanguan niya. Nalaman namin na nadagdagan pang muli ang mahigit 40 product endorsements at brand partners niya.

Sa litratong ipinost ni Kris sa Instagram bago siya natulog nitong Martes ay hindi halatang nagkasakit siya dahil super fresh siya.

“Don’t look in any other direction but what’s ahead,’ I read this quote & realized I’ve survived so much because I took the lessons from the past, but chose to leave the pain & tears there. Life won’t always be easy, but I’ve taught myself not to keep count of the losses but celebrate each victory. Good night. And thank you for all your prayers & good wishes.”

Habang sinusulat namin ito kahapon, nalaman naming may photo shoot ulit si Kris para sa isang produkto na hindi niya sinasabi kung ano.