Kelot pinatay sa ‘love triangle’

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Ni Orly L. Barcala

Love triangle ang sinasabing isa sa mga motibo sa pananambang sa isang lalaki sa Caloocan City, nitong Lunes ng gabi.

Dead on the spot si Isagani Opiasa, 34, ng Barangay 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at dibdib.

Sa ulat ni Senior Insp. Dennis Odtuhan, ng Caloocan City Police, inihatid ni Opiasa ang umano’y nililigawan nito, ilang kanto ang layo mula sa kanyang bahay, nang sumulpot ang isang hindi pa nakikilalang lalaki at makailang beses binaril ang una, dakong 8:00 ng gabi.

Agad tumakas ang suspek sa hindi batid na direksiyon.

Ayon kay Odtuhan, may asawa at apat na anak ang nililigawan ni Opiasa.

Nagsasagawa ng follow-up operation ang awtoridad laban sa suspek.