Galbines, obispo ng Kabankalan

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Ni Mary Ann Santiago

Itinalaga ni Pope Francis si Monsignor Louie Galbines bilang susunod na Obispo ng Diocese of Kabankalan sa Negros Occidental.

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), papalitan ng 51 anyos na si Galbines si Bishop Patricio Buzon, na inilipat bilang Obispo sa Diocese of Bacolod noong 2016, matapos ang 13 taong pagsisilbi sa Kabakanlan.

Bago maitalaga bilang ikatlong Obispo ng Kabakalan, ang tubong Sagay City na si Galbines ay nagsilbing vicar general ng Diocese of Bacolod.