Estudyante dedo sa semplang

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni Leandro Alborote

MAYANTOC, Tarlac – Patay ang isang estudyante makaraang bumaligtad ang minamaneho niyang motorsiklo sa highway ng Barangay Ambalingit, sa Mayantoc, Tarlac, kamakalawa ng madaling araw.

Nagtamo ng grabeng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan si Reynaldo Dizon, 29, ng Bgy. Mapandan, Mayantoc, Tarlac, at estudyante ng Tarlac Agricultural University (TAU).

Sa imbestigasyon ni SPO1 Zaldy Millagracia, dakong 5:00 ng madaling araw at patungo si Dizon sa Bgy. Baybayaoas nang mawalan ng kontrol sa motorsiklo at bumaligtad sa highway.

Tinangka pang isugod ang biktima sa Gilberto Teodoro Hospital, ngunit patay na ito.