Cessna plane bumagsak, 2 sugatan

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni Liezle Basa Iñigo

BINALONAN, Pangasinan – Isinugod kaagad sa pagamutan ang piloto at student pilot ng Cessna plane na bumulusok sa maisan sa Barangay Linmansangan sa Binalonan, Pangasinan, kahapon ng umaga.

Batay sa impormasyon na tinanggap kahapon mula kay Chief Insp. Lovell Dalisay, hepe ng Binalonan Police, ang two-seater Cessna Plane 152 ay minaniobra ni Capt. Bruce Sinaking, flying master, at taga-Baguio City, kasama ang student pilot na si Marcus Lim, residente ng Maynila.

Kapwa isinugod sa ospital sa Urdaneta City ang dalawa, habang matindi naman ang pagkawasak ng Cessna plane.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya, at nakakausap na rin ang dalawang biktima habang nagpapagaling sa ospital sa ngayon.