Banong aktor, nagkaka-project dahil malakas sa management ang manager

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni Reggee Bonoan

TAKANG-TAKA ang ilang direktor kung bakit laging binabanggit ang pangalan ng isang aktor na isama sa mga ginagawa nilang pelikula, e, hindi naman daw marunong umarte.

“Nu’ng una, pinagbigyan ko na isama sa pelikula ko, tutal naman barkadahan ang kuwento, pero grabe, nakakailang takes kami sa simpleng eksena. Hindi niya magawa nang maayos, pati sa pagsasalita nabubulol, ano ba ‘yun? Nagsasayang kami ng oras!

“Hindi ko nga maintindihan, basta’t may project lagi siyang ‘pinasasama kasi galing daw sa taas (management) ang order. Eh, alam ba nila na kaming mga direktor ang nahihirapan dahil nagtatagal kami dahil sa kanya?” kuwento ng direktor na nakatsikahan namin.

Akala namin, siya lang ang antibayotik sa aktor na walang alam sa pag-arte, pero may tatlo pa kaming nakatsikahan na sumusuko na at ayaw nang makatrabaho ang banong aktor kahit pa utos ng management.

Kapag pinanonood, kitang-kita na wala naman talagang alam sa acting pero telegenic o mahal siya ng kamera. Guwapo naman kasi, in fairness.

Parang gusto namin siyang mapasama sa anumang project ni Direk Cathy Garcia-Molina at baka sakaling may matutuhan siya. Maging ang magagaling na artista ng ABS-CBN ay nakatikim ng talak ng direktora, e, di lalo na siguro ang banong aktor.

‘Yun nga lang, baka tanggihan agad siya ni Direk Cathy or else high blood ang aabutin sa kanya at baka hindi pa matapos ang pelikula on time.

Hmmm, kaya pala inabot ng ilang buwan ang pelikulang nagawa ng banong aktor. Dahil sa kanya, ‘kaloka!

Ayon pa sa direktor na nakausap namin, isinasama raw sa isang serye ang banong aktor pero tinanggihan.

“Eh, hand to mouth ang taping ng serye, eh, kung isinama siya, baka walang iere ‘pag siya ang artista!”

Napahalakhak kami, sa totoo lang. Oo nga, ‘no, Bossing DMB? Sabagay, hindi rin naman natin gusto noon pa ang aktor na walang acting na ito. Kaya pala wala kaming alam na project niya ngayon.

Ay, may sitsit pa, “’Yun kasing manager ni _____ (aktor na walang acting) ay ka-rubbing elbows sina _____ at _____ (TV executives).”

Kaya pala!