Ateneo at La Salle belles, kumpiyansa sa Finals

Filed under Volleyball Balita RSS RSS Feed

Ni Marivic Awitan

Laro Ngayon
(Filoil Flying V Center-San Juan)
8:00 n.u. — Adamson vs Ateneo (M)
10:00 n.u. — NU vs UST (M)
2:00 n.h. — La Salle vs UP (W)
4:00 n.h. — UST vs FEU (W)

MAKAPAGSOLO sa liderato ang aasintahin ng reigning women’s titlist De La Salle University, habang manatili naman sa kanilang pamumuno ang hangad kapwa ng reigning men’s champion Ateneo at National University sa pagpapatuloy ng aksiyon sa second round ng UAAP Season 80 volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Parehas nangingibabaw sa kani-kanilang dibisyon ang Lady Spikers , Blue Eagles at Bulldogs.

Kasalukuyang katabla ng Lady Spikers ang NU Lady Bulldogs sa markang 6-2, habang patas naman ang Ateneo at NU sa kartadang 7-1 sa mens side.

Nakatakdang makasagupa ng Lady Spikers sa unang women’s match ngayong 2:00 ng hapon ang University of the Philippines Lady Maroons na susundan ng tapatan ng University of Santo Tomas at Far Eastern University ganap na 4:00 ng hapon.

Mauuna rito, makakatapat naman ng Bulldogs sa ikalawang laro sa men’s class ang UST Tigers ganap na 10:00 ng umaga pagkatapos ng pagtutuos ng Blue Eagles at Adamson Falcons ganap na 8:00 ng umaga.