Arellano, kampeon sa UAAP athletics

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

Ni Marivic Awitan

PORMAL na nasungkit ng Arellano University ang ‘three-peat’ sa seniors title sa pagtatapos ng NCAA Season 93 Track and Field Championships nitong Lunes sa Philsports Track oval sa Pasig.

Tinapos ng Chiefs ang kampanya sa impresibong panalo sa 4x 400 meter sa tiyempong 3:25.05.

Nakalikom ang Chiefs ng 802.5 puntos para maangkin ang titulo. Pumangalawa sa kanila ang Mapua University na natipon na 640.5 puntos habang pumangatlo at nakabalik sa podium ang Jose Rizal University na may.370 puntos.

Sa juniors division, nagawang agawin ng San Beda ang titulo sa dating kampeong Emilio Aguinaldo College –ICA makaraang makalikom ng kabuuang 647.5 puntos.

Sumegunda sa kanila ang event host University of Perpetual Help na tinapos ang season sa pamamagitan ng record winning peat sa 4x 100 meter relay.matapos makatipon ng. 561.25 puntos kasunod ang dethroned champion Brigadiers na may.522..5 puntos

Samantala, tinanghal na Coach of the Year sa juniors division si Noli Mejos ng SBU at si Paulino Coloma ng Arellano sa seniors division. Nahirang namang MVP ng juniors si Red Cub Mariano Masano at si Chief Jomarie Jovelo sa seniors.