Alvarez ‘natatanging’ Speaker ni Digong

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Ni Bert De Guzman

Walang ibang Speaker si Pangulong Rodrigo Duterte kundi si Rep. Pantaleon Alvarez lamang.

Ito ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa harap ng 28,000 bagong kasapi ng Partido ng Demokratikong Pilipino, na nanumpa sa Malolos Sports and Convention Center sa Bulacan kamakalawa.

Ayon kay Roque, ano mang plano na patalsikin si Alvarez bilang House Speaker ay hindi magtatagumpay sapagkat buo ang tiwala ng Pangulo sa kanya.

“Kung may naririnig kayong mga gahaman na naglalaway sa posisyon ni Speaker, sabihin ninyo maglaway pa sila dahil wala na pong ibang Speaker si Presidente Digong Duterte kundi si Speaker Alvarez,” giit ni Roque.