Laguna Lake Highway extension bukas na

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Ni Mina Navarro

Maaari nang madanaan ang anim na kilometrong bahagi ng Laguna Lake Highway mula sa ML Quezon Avenue hanggang Napindan Bridge sa Taguig City.

Binuksan ni DPWH Secretary Mark Villar ang karagdagang 1.5 kilometro sa silangan ng highway na nagsisimula sa Hagonoy Flood Gate patungong ML Quezon Avenue.

Sumaksi sa pagbubukas ng bagong kalsada sina Department of Transportation Secretary Arthur Tugade, Budget Secretary Benjamin Diokno, at Taguig City Mayor Lani Cayetano.

‘’The opening of this additional Laguna Lake Highway segment will encourage more motorists to take this faster route from Taytay Rizal to Bicutan, Taguig,” ani Villar.