2 magsasaka, sinalvage?

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija – Dalawang magsasaka na pinaniniwalaang sinalvage ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Nueva Ecija, nitong Linggo ng umaga.

Sa imbestigasyon ni Senior Supt. Eliseo Tanding, Nueva Ecija Police director, ang mga ito ay nakilalang sina Agustin Sumait Valerio, 60, ng Barangay Platero, Gen. Natividad; at June Benoza Nacional, ng Purok 4, Bgy. San Isidro, Zaragoza.

Pasado 8:00 ng umaga nang magtungo si Valerio sa kanilang bukirin, ngunit dakong 11:00 ng umaga ay bangkay na ito nang matagpuan.

Narekober sa lugar ang dalawang basyo ng bala ng .45 caliber pistol at isang palakol.

Natagpuan namang patay si Nacional sa Purok 2, Bgy. Manaol, Zaragoza, Nueva Ecija makaraang makipag-inuman sa bahay ni Rodolfo Manalili Jepe, 52, residente ng nasabing lugar.

Inaalam pa ng pulisya ang sanhi ng pagkamatay ni Nacional.