Japan nagbigay ng makinarya sa Marawi

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Ni Yas D. Ocampo

Sinabi ng Department of Finance (DoF) na itu-turnover ng Japanese Government ang 27 makinarya at kagamitan para sa reconstruction ng Marawi City ngayong buwan, batay sa ulat ng international finance group (IFG).

Ayon sa IFG, ang donasyon ng Japan na heavy equipment para sa Marawi ay bahagi ng 2.5 billion yen ($22M) grant ng Tokyo sa ilalim ng Philippine-Japan Economic and Social Development Programme, na kinabibilangan ng suporta para sa pagbangon ng lungsod at provision para sa coastal monitoring radars Philippine Coast Guard (PCG), anang DOF.