Helicopter bumulusok sa ilog, 2 patay

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

NEW YORK (Reuters) – Bumulusok ang isang helicopter na sakay ang anim katao sa East River ng New York City nitong Linggo, na ikinamatay ng dalawang katao at tatlong iba pa ang malubha ngayon sa ospital.

Ayon kay New York Fire Commissioner Daniel Nigro, kasama sa mga nasagip ang piloto at maayos na ang kalagayan sa ospital.

Sinabi ng Federal Aviation Administration na bumagsak ang Eurocopter AS350 malapit sa dulong hilaga ng Roosevelt Island dakong 7:00 ng gabi at iniimbestigahan na nila ito.

“It’s a great tragedy,” ani Nigro. “It took a while for the divers to get these people out.”