• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Angel, pinasalamatan si Ate Vi

Balita Online by Balita Online
March 11, 2018
in Showbiz atbp.
0
Angel, pinasalamatan si Ate Vi
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni Jimi Escala

SI Congresswoman Vilma Santos ang isa sa mga pinasalamatan ni Angel Locsin nang tanggapin ang napanalunang Ani ng Dangal award mula sa National Commision on Culture and the Arts (NCCA).

ANGEL copy copy

Ayon kay Angel, hindi niya maaaring kalimutan si Ate Vi na binigyan siya ng pagkakataong makatrabaho ito sa pelikulang Everything About Her ng Star Cinema.

“Thank you so much po sa lahat ng bumubuo ng National Commission for Culture and the Arts, especially po kay Chairman Virgilio Almario, for this huge honor. It’s a privilege to be given recognition by our country for your passion.

Again, thank you so much po. Sorry I wasn’t able to make it to the celebration for I was out of the country. To my ABS-CBN and Star Cinema Family, Tita Malou Santos, & Inang Olive Lamasan, thank you po! Direk Joyce (Bernal), salamat! Ms. Vilma Santos, you are and forever will be our Star for All Seasons. Thank you po, Tita for the privilege na makatrabaho po kayo. Para po ito sa ating mga Pilipino. ❤️ #AniNGDangalAwards.”

Naroroon sa Japan si Angel kasama ang boyfriend na si Neil Arce nang ganapin ang gawad parangal kaya hindi niya personal na natanggap ang kanyang tropeo.

Samantala, naglabas din ng saloobin si Angel tungkol sa naging pahayag niya sa performance ng all-girl sexy group na Playgirls. Nag-no siya sa performance ng nasabing grupo.

“Sa totoo lang naman, eh, may kanya-kanya tayong utak, eh, at karapatan natin na magsalita kung ano’ng gusto natin.

Mahal na mahal ko kapwa judges ko, mahalaga kami sa isa’t isa, hindi kami nagbabastusan, pero siguro, siniseryoso lang namin itong ginagawa namin,” katwiran ng mahusay na aktres.

Idinagdag niya na binigyan naman ang lahat ng pagkakataon na makapagpahayag ng saloobin.

“Kaming apat na judges, eh, bukas kami kung ano ang opinion ng isa. Talagang ‘nirerespeto namin ang bawat isa sa amin.”

Nilinaw niya na walang pikunan sa mga hurado ng Pilipinas Got Talent.

“Siguro lang, eh, mas kailangan na maghanda ang mga contestants kasi seryoso na ito talaga. Magagaling din ang ibang contestants, kaya dapat magpakita sila ng kakaiba at pinaka-the best na performance na maibibigay nila talaga,” lahad pa ng aktres.

Tags: angel locsinDirek JoyceJimi EscalaNeil ArceOlive Lamasanstar cinemaVilma SantosVirgilio Almario
Previous Post

Arellano, lider sa NCAA athletics

Next Post

Muling nauungkat ang mga isyu sa automated elections

Next Post

Muling nauungkat ang mga isyu sa automated elections

Broom Broom Balita

  • Darryl Yap, ‘pinagtaasan ng kilay’ ng basher; nilinaw ang tungkol sa alok daw maging chairperson ng FDCP
  • 10.9M Pinoy, nagsabing sila ay ‘mahirap’ — SWS
  • ₱177K ‘shabu’ nasabat sa Taguig at Parañaque
  • Pinag-usapang turon sa Amanpulo, flinex ng isang bakasyunistang netizen
  • Babala ni Dr. Solante: ‘Covid-19 cases, tataas sa mga lugar na mababa ang vaxx rate’
Darryl Yap, ‘pinagtaasan ng kilay’ ng basher; nilinaw ang tungkol sa alok daw maging chairperson ng FDCP

Darryl Yap, ‘pinagtaasan ng kilay’ ng basher; nilinaw ang tungkol sa alok daw maging chairperson ng FDCP

May 19, 2022
10.9M Pinoy, nagsabing sila ay ‘mahirap’ — SWS

10.9M Pinoy, nagsabing sila ay ‘mahirap’ — SWS

May 19, 2022
₱177K ‘shabu’ nasabat sa Taguig at Parañaque

₱177K ‘shabu’ nasabat sa Taguig at Parañaque

May 19, 2022
Pinag-usapang turon sa Amanpulo, flinex ng isang bakasyunistang netizen

Pinag-usapang turon sa Amanpulo, flinex ng isang bakasyunistang netizen

May 19, 2022
Babala ni Dr. Solante: ‘Covid-19 cases, tataas sa mga lugar na mababa ang vaxx rate’

Babala ni Dr. Solante: ‘Covid-19 cases, tataas sa mga lugar na mababa ang vaxx rate’

May 19, 2022
Ogie Diaz, nag-react sa pahayag ng Cebu Pacific: ‘Yun lang yon?’

Ogie Diaz, nag-react sa pahayag ng Cebu Pacific: ‘Yun lang yon?’

May 19, 2022
Prof. Clarita Carlos, kina-cancel ng mismong mga katrabaho? “Bring it on!”

Prof. Clarita Carlos, kina-cancel ng mismong mga katrabaho? “Bring it on!”

May 19, 2022
Domagoso, nagpasalamat sa Filipino-Chinese community dahil sa panibagong instagrammable spot

Domagoso, nagpasalamat sa Filipino-Chinese community dahil sa panibagong instagrammable spot

May 19, 2022
Freddie Aguilar, flinex ang kaniyang ‘bhabe’; netizen, nang-urirat kung anong iniinom niya araw-araw

Freddie Aguilar, flinex ang kaniyang ‘bhabe’; netizen, nang-urirat kung anong iniinom niya araw-araw

May 19, 2022
Mga menor de edad na pumatay sa Maguad siblings, hindi pa makukulong

Mga menor de edad na pumatay sa Maguad siblings, hindi pa makukulong

May 19, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.