Raymart, tahimik sa post ni Sabina

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni Nitz Miralles

MAY reaction na si Claudine Barretto sa post ng anak nila ni Raymart Santiago na si Sabina sa Instagram tungkol sa pagkakaroon ng girlfriend ng ama.

CLAUDINE SABINA AT RAYMART copy

Nasulat namin the other day ang nararamdaman ni Sabina sa pagkakaroon ng GF ng ama na, “My dad broke my heart way before any boy had the chance to.”

Nag-post si Claudine ng photo nila ni Sabina at nilagyan ng caption na, “I luv u forever, i luv u for always as long as im living my SABINA.”

Pero tahimik pa rin si Raymart at mas makabubuti sa kanya na huwag nang mag-react lalo na sa social media. Pero tama ang obserbasyon ng mga taga-showbiz na walang ganitong isyu kung hindi lumabas sa media ang litrato nina Raymart at ng girlfriend.

  • Dori Ordinario

    congrats raymart, U deserve to be happy