Action-fantasy series nina Alden at Janine, may taping sa ibang bansa

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni Nora Calderon

CONFIRMED nang si Janine Gutierrez ang only leading lady ni Alden Richards sa big-budgeted action-fantasy teleserye ng GMA-7 na Mitho.

aLDEN copy copy

Matagal na naming alam ang bagong project ni Alden sa GMA-7, noon pang nag-tweet siya ng “blessings just keep pouring!” dahil inilatag na sa kanya kung ano ang bagong teleserye niya.

Marami na ang nagtatanong kung ano ang project ni Alden, nasasayang daw ang araw na wala siyang ginagawa, pero mabuti na lang daw at napapanood siya everyday sa Eat Bulaga at sa Sunday Pinasaya.

Pero  hinahanap nila ang project na magpapakita sa kahusayan sa acting ng actor.  Ang Mitho ang pinakamalaking project na pinaghahandaan ng GMA nang i-announce nila ang projects nila for 2018.

Pero hindi namin isinulat dahil hindi pa raw puwede, confidential pa, sabi ng manager niya sa GMA. Pero ngayon na marami nang haka-haka sa gagawin ni Alden at kung sino ang magiging leading lady niya, isinulat na namin.

Nag-deny na si Inah de Belen nang lumabas na siya raw ang leading lady ni Alden at may nagsabing she’s too young to be Alden’s ka-love team. Nag-post siya sa Instagram ng: “Just want to clear things up.  The rumors circulating are not true.  If it was, I would be the first to know, which I didn’t.  Can we all move on now.

Bagay na bagay nga si Janine na leading lady ni Alden.  Tamang-tama naman na guest appearance lang siya  sa Sherlock Jr., sa pilot week lang siya napanood, dahil ito pala ang malaking project na kapalit nito.

Tuluy-tuloy na ang pagdi-gym ni Alden para mapaganda lalo ang katawan. Hindi namin alam kung kailangan din ni Janine na mag-work out pero sa nakikita naman namin, fit na fit ang katawan niya para sa kung anumang character niya sa teleserye na ididirek ni Dominic Zapata.

Magsisimula na silang mag-taping ng serye aby day now, at mid-year na ito mapapanood sa primetime block ng GMA-7.

At totoo ang kumalat na balitang magti-taping sila sa ibang bansa, pero hindi sa Thailand tulad ng mga nasulat.

Kahit magiging busy si Alden sa taping ng Mitho, tuloy pa rin ang iba niyang commitments like sa mga show niya with other Kapuso stars abroad.  Sa April 7, ang first leg ng “Sikat Ka Kapuso” nila nina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Lovi Poe at Betong Sumaya, sa Newark Symphony Hall sa New Jersey, USA at sa April 8, sa Sony Centre for the Performing Arts sa Toronto, Canada, para sa GMA Pinoy TV.  Natapos na rin ang taping ni Alden with Marian Rivera ng Celebrity Bluff bilang bluffer sa comedy game show hosted by Eugene Domingo.