‘Bukas-bagahe’ sa airport, iimbestigahan

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Ni Leonel M. Abasola

Isinusulong ni Senator Grace Poe ang imbestigasyon sa “bukas-bagahe” sa mga paliparan sa bansa matapos na makatanggap ng ulat na talamak pa rin umano ito.

“The government needs to protect its people, especially OFWs, who work so hard to earn a living,” nakasaad sa resolusyon ni Poe, chairperson ng Senate Committee on Public Services.

Nitong nakalipas na buwan, kinansela ng pamahalaan ang kontrata ng Miascor sa Clark International Airport sa Pampanga dahil sa nakawan sa bagahe, at anim na empleyado ng kumpanya ang sinibak at kinasuhan.

Pero sa direktiba ng Palasyo, nakatuon lamang ito sa nabanggit na paliparan, at napaulat na marami pa rin umano ang nabibiktima ng bukas-bagahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Partikular na tinukoy ni Poe ang OFW na si Ramon Segarra, na nagreklamong nasira ang zip lock ng bagahe.

  • Ronelyn Mabante

    Yan nga po ang nkakalungkot Senator kasi ung mga pinaghirapan ng mga OFW’s ninakaw lang at sa mismong sa loob pa ng airport kaya dapat talaga matutukan po iyan

  • Alona Hernandez

    Mabuti nga nabigayn to ng pansin ni Grace Poe kahit papano I know may mangyayaring progress sa problema na to

  • Leo Lopez

    Thank you senator Poe sa malasakit sa mga OFW at mga naging biktima niyang bukas bagahe na yan

  • Ana Mendina Lopez

    Looking forward sa positive result dahil alam ko ngayon nabigyan na to ng toon ni Grace Poe ay may aksyon na na mangyayari mukha kasing nakalimot na ang gobyerno