Teleserye ni Alden, usap-usapan agad

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni NITZ MIRALLES

WALA pa mang storycon dahil nasa final casting pa lang ang teleserye ni Alden Richards, ang dami nang lumalabas na detalye.

Alden copy copy

Nasulat na Mitho raw ang title ng gagawing teleserye, pero may nakausap kami at ang sabi, hindi para kay Alden ang project na ito at baka palitan daw ang title.

May lumabas din na baka makasama sa cast si John Estrada at may nagbalita rin na nasa cast din si Ryan Agoncillo.

Kung matutuloy si Ryan, hindi ito ang first time na pagsasama nila ni Alden sa trabaho dahil nagsama na sila sa “Kapatid” episode ng isang Eat Bulaga special.

May narinig pa kaming tsika na may eksena sa teleserye ni Alden na kukunan sa ibang bansa. ‘Tapos nasulat din na balak ng GMA-7 na Thai actress ang itambal kay Alden, pero siguradong may Kapuso aktres din siyang makakapareha at ‘yun ang hintayin nating i-announce.

Lahat ng ito ay bali-balita pa lang dahil, gaya ng sinabi namin, hanggang wala pang storycon ay hindi pa malalaman kung sinu-sino ang siguradong makakasama ni Alden at kung ano talaga ang teleseryeng gagawin niya.

Anyway, guest si Alden sa Celebrity Bluff bilang laglagero kapalit ni Edu Manzano na ilang weeks nang hindi napapanood. Kasabay ni Alden na nag-guest ang most trusted P.A. niyang si Mama Ten. Hindi na mapigilan ang pagsikat ni Mama Ten, regular na siya sa Boss Madam at baka maging semi-regular na rin sa Sunday Pinasaya.