‘Sikat Ka, Kapuso!’ ng GMA Pinoy TV sa US at Canada, magbabalik

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

KAABANG-ABANG ang pagbabalik ng star-studded event ng GMA Pinoy TV na ‘Sikat Ka, Kapuso!’ ngayong Abril.

Matapos ang matagumpay na Kapuso show last year sa California, muling makikita ng fans ang kanilang mga idolo live sa April 7 sa Newark Symphony Hall sa New Jersey, USA at April 8 sa Sony Centre for the Performing Arts sa Toronto, Canada.

Balik-US si Dingdong Dantes na kinagigiliwan ng mga Kapuso kasama ang real-life couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. 

Makikisaya rin ang co-star ni Dennis sa The One That Got Away na si Lovi Poe at si Betong Sumaya. 

At siyempre pa, hindi magpapahuli ang most requested artist na si Alden Richards para kumpletuhin ang cast ng ‘Sikat Ka, Kapuso!’

Punumpuno ng kasiyahan at tugtugan ang gaganaping mga pagtatanghal sa New Jersey at Toronto na handog ng GMA sa pamamagitan ng international channels nitong GMA Pinoy TV, GMA Life TV at GMA News TV International.
 
Para sa iba pang updates, i-follow ang GMA Pinoy TV sa Facebook, Twitter, at Instagram. Para naman sa ticket inquiries, kontakin ang numerong(917) 858-2356 para sa Sikat Ka, Kapuso! New Jersey at 1-866-7 KAPUSO para naman sa Sikat Ka, Kapuso! Toronto.