Sarah, James at Jona, nanguna sa mga nominado sa MYX Music Awards 2018

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MAGAGANAP na sa Mayo 15 (Martes) ang inaabangang music award show sa Pilipinas – ang MYX Music Awards.

Ika-13 taon na ng pagkilala sa pinakamaiinit na hitmakers sa OPM scene, MYX Music Awards 2018 ay pinapanood ng pinakamaraming fans sa Araneta Coliseum.

James copy copy

Nangunguna sa contenders ngayong taon sina Sarah Geronimo, James Reid, at Jona na pare-parehong may tiglimang nominasyon.

Naglalaban-laban para maging Song of the Year ang Cool Down ni James, Ano Nga Ba Tayo ni Jona, at Kaibigan Mo ni Sarah at ni Yeng Constantino, kasama rin ang Sa’Yo Pa Rin ni Glaiza de Castro at Titibo-Tibo ni Moira dela Torre.

Kabilang naman sa Music Video of the Year nominees ang C@ll ni Bamboo, Cebuana ni Karencitta, Misteryo ni Sarah, Sa’Yo Pa Rin ni Glaiza, at The Life ni James na co-directed ng kanyang girlfriend na si Nadine Lustre.

Nakatanggap naman ang Singer 2018 contender na si KZ Tandingan ng apat na nominasyon kasama ang kategoryang Artist of the Year katunggali sina Sarah, James, Iñigo Pascual, at ang nanalo noong nakaraang taon na si Darren Espanto.

Nonimado rin ang BoybandPH, IV Of Spades, at Quest.

Samantala, ang teen favorites na sina Maymay Entrata at Edward Barber – na lumabas bilang guest VJs sa nangungunang music channel – ay mga nominado naman para sa MYX Celebrity VJ of the Year katunggali sina Kisses Delavin at Marco Gallo, McCoy de Leon at Elisse Joson, Kim Chiu, Empoy, at iba pa.

Ang ilan pa sa mga inaabangang kategorya ay ang Female Artist of the Year, Male Artist of the Year, Group of the Year, New Artist of the Year, Mellow Video of the Year, Rock Video of the Year, Urban Video of the Year, Collaboration of the Year, Remake of the Year, Media Soundtrack of the Year, Music Video Guest Appearance of the Year, International Video of the Year, at MYX Bandarito Performance of the Year.

Maaari nang bumoto ang fans para sa kanilang mga paborito sa myxph.com/myxmusicawards hanggang Mayo 8 (Martes), 11:59pm. Ang public vote ay bubuo ng 60% sa final tally habang ang 40% naman ay manggagaling sa boto ng mga kapwa artists.

Abangan ang mga mananalo sa 17 categories, pati na rin sa prestihiyosong MYX Magna award. Pagkakataon na rin para mapanood ng live ang bonggang performances ng manggagaling na OPM performers sa MYX Music Awards 2018 sa Araneta Coliseum sa darating na Mayo 15 (Martes).

Panoorin ang MYX sa Skycable channel 23, bisitahin ang www.myxph.com, i-like ang @MYX.Philippines sa Facebook, at sundan ito sa Instagram (@myxph) at Twitter (@MYXPhilippines) para sa karagdagang impormasyon tungkol sa ticket prices.