Nam Joo-Hyuk, babalik sa ‘Pinas

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Nam Joo Hyuk copy

Ni Ador Saluta

INIHAYAG ng Korean actor na si Nam Joo-Hyuk ang pinaplano niyang muling pagbisita sa Pilipinas.

Sa panayam ni Gretchen Ho, news anchor ng  Umagang Kayganda, nabanggit ni Nam ang kanyang binabalak na pagbabalik sa Pilipinas sa lalong madaling panahon.

“(I’m) trying to make a trip down there this year. Thanks for all the love and support (Philippines). I’m going to try harder and meet you with new and better shows with better synergy and hope to see you guys soon,” sabi ng Korean star.

Unang bumisita sa Pilinas si Nam Joo-Hyuk  noong September 2017 para sa promo tour ng top-rating Korean series na Weightlifting Fairy Kim Bok-Joo na isa siya sa mga bida. Ipinalabas ito sa ABS-CBN noong 2017.