Drug pusher utas sa raid

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Ni Freddie Velez

PLARIDEL, Bulacan – Napatay ng mga pulis ang isang umano’y drug pusher habang siyam na iba pa ang nadakip sa magkakahiwalay na anti-illegal drugs operations sa Bulacan, kahapon.

Sa report na natanggap ni Senior Supt. Romeo Caramat, Jr., director ng Bulacan Police Provincial Office, nakilala ang nasawi na si Alfredo Espiritu Flores, alyas “Tattoo” at “Momon”, 47, ng Sitio Cabiawan, Barangay Banga 2nd, Plaridel.

Naglatag ng buy-bust operation ang pulisya laban sa suspek sa Purok 4, NIA Road, Bgy. Parulan na nauwi sa engkuwentro nang manlaban umano si Flores.

Siyam pang suspek sa pagbebenta ng droga ang naaresto sa San Jose Del Monte, Meycauayan, Norzagaray at Calumpit, at nasamsam sa kanila ang 29 na plastic sachet ng hinihinalang droga.